RECENT POSTS

Mag-salsalate!

Wednesday, November 4, 2009

Ikaw ba'y nasasaktan? May init ng katawan na hindi mailabas?






Salsalate


  • gamot na ipinapasok sa bibig (oral administration)
  • para sa sakit sa katawan (pain, e.g. osteoarthritis)
  • para din sa init ng katawan (fever)
  • iniinom nang may kasamang pagkain o gatas (mmm...)
  • bawal sa may sakit sa dugo (hemophilia, other bleeding disorders)
  • bawal sa may gout
  • bawal sa may allergy sa aspirin o NSAID
  • bawal pa sa bata, 12 anyos pababa
  • bawal sa buntis at nagpapasuso (kainaman, buntis na nga e)

Nais mag-salsalate? Kumonsulta sa iyong doktor.





Mga larawan galing dito, dito, at dito.

Pasukan na naman!

Monday, November 2, 2009

Anatomy model # 1: OMG!
Anatomy model # 2: Oh noes!



Tapos na ang maikling sembreak.

Kailangan ng maraming gamot para sa evacuation centers

Friday, October 2, 2009
Lingid siguro sa kaalaman ng karamihan dahil hindi masyadong napapanood sa TV, ang mga baranggay na nasa gilid ng Laguna de Bay (hindi "Laguna lake", dahil pag trinanslate yun ay "Lake Lake" ang ibig sabihin) ay nalubog din sa baha. Mahigit ang itinaas ng water level ng lawa dahil sa bagyong Ondoy.

Kasama sa mga nasalanta ang 5 baranggay ng Los BaƱos, at sila ay humihingi ng tulong ngayon sa pagkalap ng mga gamot para sa evacuation center kagaya ng antibiotics (para sa bacterial infections) at anti-fungals (para sa alipunga). Applicable din ang pangangailangan na ito ng gamot sa iba pang evacuation centers nationwide.

Kung may alam kayong mapagkukunan, mag-email lang sa medikongpinoy@gmail.com o kaya magreply sa post na 'to.


Litrato mula sa isang med mission para sa mga biktima ni Ondoy sa isang evacuation center sa Muntinlupa. Kuha ni Doc Gelo Manalang.



UPDATE

Salamat sa Sagip Kapamilya sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong bayan sa Laguna!



ABS-CBN's Laguna headquarters at Baker Hall, UPLB




Paano gamitin ang Facebook sa panahon ng krisis?

Tuesday, September 29, 2009
Medikong Pinoy - Ondoy Wars

Sana ay wag muna natin i-flood ang Facebook Newsfeed ng mga post ng laro natin para magbigay daan sa request ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.